Home NATIONWIDE Kontrata ng Comelec sa Miru Systems ipinahihinto sa SC

Kontrata ng Comelec sa Miru Systems ipinahihinto sa SC

MANILA, Philippines- Hiniling ni dating Caloocan City 2nd District congressman Edgar R. Erice sa Supreme Court (SC) na mapawalang-bisa ang P17.9 billion contract sa pagitan ng Commission on Elections (Comelec) at South Korean Miru Systems Co. Ltd. para sa 2025 automated national and local elections.

Nakasaad sa petisyon ni Erice na maglabas ang SC ng temporary restraining order (TRO) upang mapatigil ang kontrata na iginawad sa Miru Systems batay sa Comelec en banc Resolution No. 24-0114.

Sinabi ni Erice na nakagawa ng abuse of discretion ang Comelec nang ibigay nito ang kontrata para sa Automated Elections Systems (AES) sa Miru Systems at idisqualify ang Smartmatic-TIM Corporation.

Tinuligsa nito ang paliwanag ng Comelec na ang vote counting machines (VCMs) ng Smartmatic-TIM ay hindi na magagamit dahil sa kawalan ng spare parts.

Ipinunto ni Erice na sa ilalim ng kontrata sa Smartmatic, sagot naman nito ang pagpapaayos ng VCMs at magbibigay ng spare parts hanggang 2025.

Iginiit ni Erice a gagamit lamang ang Miru Systems ng prototype machines na hindi maaasahan dahil hindi ito nasuri.

Plano ni Erice na maghain ng impeachment complaint laban sa mga opisyal ng Comelec officials na lumagda at naggawad ng AES contract sa Miru Systems.

Salig sa pinirmahan na kontrata sa Miru Systems nitong Marcso 11, ang naturang kompanya ang maglalaan ng systems at software, ballot printing at technical support ng AES. Teresa Tavares