Home METRO Pamangkin ‘pinulutan’ ng katomang amain

Pamangkin ‘pinulutan’ ng katomang amain

111
0

Bulacan – Syut sa kulungan ang isang 45-anyos na amain matapos lamutakin ang dibdib at paghahalikan ang kanyang kainumang pamangkin sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang suspek na si alyas “Omel,” may asawa habang ang biktima ay itinago sa pangalang RG, 21, single, kapwa residente ng Brgy. Gaya Gaya.

Sa report ng SJDM police kay Bulacan Police director PCOL Relly Arnedo, naganap ang insidente bandang alas-7 ng gabi nitong Abril 13 sa bahay ng suspek.

Ayon sa imbestigasyon, masayang nag-iinuman ang biktima at suspek kasama ang kanilang mga kaanak ng mga oras na iyon.

Nang mag-uwian ang mga kaanak ay itinuloy pa rin nila ang inuman hanggang biglang nilamas ng suspek ang maalindog na dibdib, hinalikan sa labi at leeg ang biktima.

Dahil dito, nagsumbong ang biktima sa kanilang barangay na agad rumesponde sa lugar kaya nahuli at kalaunan ay isinuko sa pulisya.

Nahaharap ang suspek sa kasong Acts Lasciviousness habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here