Home NATIONWIDE Larawan ni Sen. Bato sa sementeryo, luma na – PNP

Larawan ni Sen. Bato sa sementeryo, luma na – PNP

3
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na kuha tatlong taon na ang nakalipas ang kumakalat na larawan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa isang sementeryo sa Digos City, Davao del Sur.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Allen Rae Co, kinumpirma ng kanilang technical team na lumang larawan ito.

“It was confirmed by our tech team that it was an old picture,” ani Co sa mga mamamahayag sa Camp Crame nitong Martes.

“This is old, and the owner of the photo himself commented that it’s from three years ago,” dagdag niya.

Binalaan din ng PNP ang publiko laban sa pagpapakalat ng mapanlinlang na impormasyon.

Si Dela Rosa, dating hepe ng PNP sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ay nahaharap sa arrest warrant kaugnay ng kasong crimes against humanity na isinampa sa International Criminal Court (ICC). Nagtatago umano siya mula Nobyembre 2025.

Ayon kay Co, maaaring managot sa batas ang mga sadyang nagpapakalat ng maling impormasyon, humahadlang sa operasyon ng mga awtoridad o bumabaha sa kanilang hotline ng mga mapanlinlang na ulat.

“We have made that clear, particularly regarding our hotline. Those who intend to mislead authorities, obstruct operations, or flood our hotline could face criminal charges or cases,” babala niya.

Muli ring iginiit ni Co na magbibigay ang PNP ng mga update tungkol sa paghahanap kay Dela Rosa sa tamang panahon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here