Home NATIONWIDE Alegasyon sa pagdagsa ng Chinese students sa Cagayan kinondena ng Chinese embassy

Alegasyon sa pagdagsa ng Chinese students sa Cagayan kinondena ng Chinese embassy

MANILA, Philippines- Minaliit ng Chinese Embassy sa Pilipinas ang akusasyon hinggil sa naiulat na pagtaas ng bilang ng mga Chinese students sa lalawigan ng Cagayan.

Ito’y matapos na ihirit ni Cagayan Representative Joseph “Jojo” Lara ang House inquiry sa usaping ito.

Aniya, maaaring malagay sa panganib ang seguridad ng bansa dahil sa presensya ng Chinese students sa gitna ng agresyon ng Beijing sa West Philippine Sea (WPS).

Giit naman ng Chinese Embassy, ang nasabing alegasyon ay malisyosong paraan ng mga mambabatas para mag-udyok ng poot sa Tsina.

“The unfounded accusation of our educational exchanges is yet another malicious sleight of hand to incite suspicion and hatred of China. Insightful people in the Philippines have not lost sight of this tendency by calling it ‘McCarthyism’ resurrecting in the Philippines,” ayon sa kalatas ng Embahada.

Ang McCarthyism ay ang political repression at persecution ng left-wing individuals at kampanya na nagpalalaganap ng takot sa umano’y communist influence sa American institutions at sa Soviet espionage sa Estados Unidos noong late 1940s hanggang 1950s.

“This deserves high vigilance and must be resolutely opposed,” ayon sa Embahada.

Ayon naman sa mambabatas, nakatanggap siya ng ulat mula sa kanyang constituents na mayroong 4,600 Chinese students sa isang private university lamang, at namataan ang mga ito sa mga pampublikong lugar suot ang student IDs.

Bukod dito, nakatanggap din si Lara ng impormasyon na ang Chinese students na dumating sa Cagayan ay nagbayad ng P1 milyon kada isang taon, 80% ng nasabing halaga ay napupunta sa “agent” habang ang natitirang 20% ay napupunta sa paaralan.

“We just want to know why. We are not against having foreign students, but what we fear is we have an issue with China. If there are 4,600 Chinese students in one private university and the private university even admits it, it is very alarming,” ayon kay Lara.

Bilang tugon, sinabi ng Chinese Embassy na ang maritime issues sa pagitan ng Pilipinas at Tsina ay ginagamit lamang para sa pansariling interes ng ilang Pilipinong politiko at papanghinain ang pagtutulungan ng dalawang bansa.

“Individual Philippine politicians are hyping up China-Philippines maritime issues and exaggerating the maritime differences in the name of national security to serve their political agenda and self-interest and undermine China-Philippines cooperation,” ayon sa Embahada.

Tinuran pa ng Embahada na ang educational exchanges sa pagitan ng Pilipinas at Tsina ay mabilis na tumataas sa nakalipas na taon, “supporting a deeper mutual understanding between our two peoples and promoting mutually beneficial cooperation and exchanges between our two countries.” Kris Jose