Home NATIONWIDE Isidro Velayo Jr. itinalagang BFAR OIC

Isidro Velayo Jr. itinalagang BFAR OIC

MANILA, Philippines- Itinalaga ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. si Isidro Velayo Jr. bilang officer-in-charge (OIC) ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) matapos sibakin ng Ombudsman ang national director nito na si Demosthenes Escoto.

Sinabi ni Laurel na si Velayo ay dating national coordinator ng seaweed program ng BFAR at dati ring regional director ng ahensya sa Zamboanga Peninsula.

“OIC Isidro Velayo, director IV and assistant director for technical services, is a career professional and respected official of BFAR,” pahayag ng DA chief nitong Miyerkules.

Titiyakin umano ng agad na pagkakatalaga kay Velayo ang patuloy na operasyon ng BFAR at implementasyon ng major projects ng ahensya.

Ayon kay Laurel, ang marching order niya kay Velayo ay siguruhin na ang operasyon ng ahensya “will not be affected by this legal development.”

Batay sa kautusan ng Ombudsman, sinabi ng DA na hinatulang guilty si Escoto ng grave misconduct sa graft case mula sa procurement ng BFAR ng communications equipment noong 2018.

“Escoto could still seek reconsideration of the Ombudsman’s decision or directly appeal the decision to the Court of Appeals,” ayon sa agriculture department. RNT/SA