MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Biyernes, Mayo 3, ang paglulunsad ng proyekto na layong kumuha ng 100 caregiver sa Pilipinas para magtrabaho sa South Korea.
Sa ilalim ng caregiver Pilot Project, tutulungan ng mga kwalipikadong caregivers ang mga pamilya sa South Korea sa pag-aalaga ng bata, at mga pang-araw araw na mga gawain katulad ng paglilinis, paglalaba at pagsuporta sa mga buntis na ina.
Ang registration ay magsisimula sa Mayo 9 hanggang Mayo 10.
Maaaring ipakita ng mga interesadong maging caregiver ang kanilang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) National Certificate (NC) II Caregiving Certificate.
Dapat ay edad 24 hanggang 38 taong gulang ang mga ito.
“Selected applicants will undergo comprehensive medical, psychological, language, and physical tests. They will receive pre-departure and post-arrival training sessions,” ayon sa DMW.
“Prospective Korean families will also attend the orientation sessions,” dagdag pa nito.
Ang proyekto ay sa ilalim ng Employment Permit System (EPS) ng South Korea na pinapayagan ang mga Korean emloyers na kumuha ng dayuhang manggagawa kung walang lokal na manggagawa ang interesado sa naturang trabaho.
“The project aims to expand bilateral labor ties between the Philippines and Korea and assess the feasibility of a larger caregiver deployment plan between the two countries,” ayon sa DMW. RNT/JGC