Home METRO Rider at backride, todas sa trailer truck

Rider at backride, todas sa trailer truck

95
0

MANILA, Philippines – Patay ang rider at backride nito matapos na bumangga ang kanilang motorsiklo sa isang trailer truck nitong Lunes ng madaling araw, Mayo 6 sa Tondo, Maynila.

Sakay ng Yamaha Sniper ang rider na si Richard E. Rivera at backride nitong lalaki na patuloy pang inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan.

Sa imbestigasyon ng Manila Traffic Enforcement Unit, nangyari ang insidente alas 12:20 ng madaling araw sa kahabaan ng northbound lane ng Mel Lopez Blvd, kanto ng Jacinto Street, Vitas, Tondo.

Bago ang insidente, binabagtas ng tractor head na may trailer at plaka na NGL 7164 at minamaneho ng isang alias Wakray ang northward ng Mel Lopez Blvd nang pagsapit sa kanto ng Jacinto St., ay bumagal ang takbo o usad ng truck upang bigyan daan ang isang pedestrian na tumatawid sa kanyang harapan.

Dito na bumangga ang rider sa kanang harapan bahagi ng truck.

Dahil sa malakas na impact, tumilapon ang rider at back ride nito na nagresulta ng agaran nilang pagkamatay.

Dinala sa VBL funeral ang mga biktima para sa safekeeping habang nasa kustodiya na ng traffic bureau ang driver ng truck. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here