Home TOP STORIES Sen. Revilla kumpyansa sa katatagan ng PFP-Lakas alliance

Sen. Revilla kumpyansa sa katatagan ng PFP-Lakas alliance

161
0

MANILA, Philippines – IPINAHAYAG ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr., Tagapangulo ng Lakas-CMD, ang kumpiyansa sa katatatagan ng pinagsanib na puwersang politikal ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at Lakas.

Pinagtibay nitong Miyerkules (Mayo 8) ang alyansa sa pagitan ng partido pulitikal ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at Lakas. Ang Lakas-CMD, na siyang dominanteng partidong politikal sa bansa, ay nagpahayag ng pakikiisa sa PFP sa isang pulong na ginanap sa Makati City.

Tinawag na “Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas”, ang pagsasanib puwersa ng dalawang partido.

Bukod kay Sen. Revilla na tagapanguna ng Lakas CMD, dumalo sa pagtitipon si Presidente Marcos Jr., Lakas-CMD President House Speaker Martin Romualdez at PFP President Gov. Reynaldo Tamayo, Jr.

“Talagang natutuwa ako. Sa pagpapatibay ng alyansa na ito, higit pang bibilis ang pagkakamit ng mga adhikain ng adminstrasyong ito tungo sa Bagong Pilipinas,”sabi ni Sen Revilla

“Nagpapasalamat ako kay Pangulong Bongbong Marcos for making this possible. Ang alyansang ito ay isang patunay ng kanyang pagsisikap sa pagbigkis sa sambayanang Pilipino sa iba’t ibang paniniwala upang magkaisa tungo sa pagkamit ng progreso at pag-unlad,” dagdag ng beteranong mambabatas.

Inihayag din ni Revilla na sa alyansa ng Lakas at PFP ay matitiyak ang tagumpay na mahalal sa midterm elections sa susunod na taon ang mga sumusuporta sa administrasyon at mga programa nito .

“Ito ay isang mahusay na hakbang patungo sa 2025 midterm elections.

Ang layunin ay manalo ang mga aspirants from the national level down to the local level na susuporta at tutulong sa pagpapatuloy ng mga magagandang plano at programa ng ating Presidente,” ayon sa mambabatas. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here