Home METRO 4 arestado sa gang-related shooting sa Cebu

4 arestado sa gang-related shooting sa Cebu

160
0

MANILA, Philippines – PATAY ang isang dalagita habang sugatan ang dalawang kaibigan nito na miyembro ng “Crips gang “ habang nadakip naman ang 4 sa 5 suspek na pawang mga kasapi ng “Bloods gang”, nitong Huwebes, Mayo 9 sa bayang ito.

Kinilala ang nasawi na si Alyza Wagas, 16, residente sa Looc, Poblacion, Liloan habang ginagamot sa ospital sina John Lloyd Intan, 18, taga Catarman, Liloan, at isang 17 anyos nga taga Yati, Liloan.

Sa isinagawang hot pursuit operation ng Liloan Police Station, nadakip ang mga suspek na kinilala sa pangalan bilang “Nilo,” 18; “Makmak,” 21; kambal na sina “B1” at “B2,” 34 habang tugis naman ang isa pang suspek na si Ugoy, lahat ay miyembro ng “Bloody gang.”

Ayon kay Police Major Eric Gingoyon, hepe ng Liloan Police Station, bandang 4:10 AM nang maganap ang krimen sa tapat ng tindahan sa Brgy. Yati, ng nasabing lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, dumalo ng pista sa nabanggit na lugar ang grupo ng mga biktima nang magkrus ang kanilang landas sa grupo ng mga suspek.

Dito, pinagbabaril ang mga biktima na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan saka tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Agad naman dinala sa Mendero Medical Center, Consolacion Cebu ang mga biktima subalit makalipas ang ilang oras ay nalagutan din ng hininga si Wagas.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng krimen nakapulot sila ng 18 basyo mula sa 9mm at .380 kalibre na armas.

Nahaharap ngayon sa mga kasong murder, frustrated murder at attempted murder ang mga suspek.

Naniniwala ang pulisya na posibleng dating alitan o love triangle ang motibo sa krimen. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here