Home METRO P20.5M shabu nasamsam sa 2 suspek

P20.5M shabu nasamsam sa 2 suspek

LAPU-LAPU CITY, Cebu- HIGIT sa P20.5 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa dalawang nadakip na high value individual sa isinagawang drug buy bust operation ng mga awtoridad nitong Miyerkules, Mayo 8 sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nadakip na suspek sa alyas alyas Gaga, 44, at alyas Eng-Eng, 26, kapwa residente sa Basak-Merkado, Barangay Basak, Lapu-Lapu City.

Sa report ng Lapu-Lapu City Police Office (LCPO), bandang 10:17 ng madakip ang mga suspek sa nasabing lugar.

Nakuha ng pinagsamang operasyon ng Police Station 4 LCPO, City Intelligence Unit (CIU)/City Drug Enforcement Unit (CDEU), PNP Drug Enforcement Group 7, ang 3,026.35 gramo ng shabu na may standard drug price na P20,579,180.

Sinabi ng mga awtoridad isinailalim sa monitoring ang mga suspek matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa iligal nilang gawain.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. Mary Anne Sapico