Home METRO State of calamity idineklara sa Iloilo sa El Niño

State of calamity idineklara sa Iloilo sa El Niño

219
0

ILOILO CITY- Isinailalim sa state of calamity ang probinsya ng Iloilo sa pagkasira ng mga pangkabuhayan ng mamamayan bunsod ng El Niño.

Inaprubahan ng Iloilo Provincial Board ng rekomendasyon ng Iloilo Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council noong Mayo, 14, 2024 sa ginanap na sesyon.

Sa datos ng Iloilo PDRRMC, malaki ang pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura at pangisdaan mula sa 42 bayan at ilang bahagi sa lungsod ng Passi na lumobo sa mahigit P1 bilyon.

Higit naman sa P653 milyon ang mga napinsalang palayan at nasa P219 milyon naman sa produksyon ng mais.

Nagkaroon din ng P136 milyong pinsala sa high-value crops; P16 milyon sa produksyon ng pangisdaan, at halos P200,000 sa produksyon ng mga baka at manok.

Sa deklarasyon ng state of calamity, magagamit na ng administrasyon ni Gov. Arthur “Toto” Defensor Jr. ang Quick Response Fund (QRF) na P61 milyon.

Nauna nang nagdeklara ng state of calamities ang lokal na pamahalaan ng mga bayan ng Sara, Estancia, Bingawan, Balasan, Dingle, Lemery, San Dionisio, Banate, Barotac Viejo, Ajuy, at Mina gayundin ang Passi City. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here