Home HOME BANNER STORY 5 sakay ng tuk-tuk patay sa karambola ng sasakyan

5 sakay ng tuk-tuk patay sa karambola ng sasakyan

162
0

LOPEZ, Quezon- Patay ang limang indibidwal na sakay ng “tuk-tuk” tricycle, habang sugatan ang apat sa karambola ng tatlong sasakyan nitong Miyerkules sa bayang ito.

Agad na nasawi ang mga sakay ng “tuk-tuk” sanhi ng matinding paso na tinamo sa katawan sina Cheska Jocares, 28; Riza Brin, 25; Jasper at Jarid, habang nalagutan naman ng hininga sa ospital si Jaymar Lunas, 32.

Nilapatan naman ng lunas sa ospital sina Leopoldo Brin, 57, Julia at Janella, kapwa menor-de-edad.

Batay sa report ng Lopez Municipal Police Station, bandang alas-2:10 ng madaling araw naganap ang insidente sa Maharlika Highway, ng nasabing bayan.

Lumabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ni Julius Brin ang “tuk-tuk” nang bigla na lamang itong mabangga sa likuran ng trak na minamaneho ni Ernesto Alberto, 51.

Sa lakas ng pagkakabangga, bigla na lamang lumiyab ang tuk-tuk at bumangga ito sa likurang bahagi ng pampasaherong bus na minamaneho naman ni Amor Pedregosa, 47, hanggang sa lumiyab din ang bus.

Dumiretso ito sa gilid ng kalsada at tumagilid habang hindi naman nasaktan ang driver.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Lopez-PNP ang driver ng truck para sa karampatang disposisyon.

Nabatid na ang mga biktimang sakay ng “tuk-tuk’ ay taga-Antipolo City na nagbabakasyon lamang sa kanilang kamag-anak sa Albay.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here