MANILA, Philippines- Nasa 100 bangka ang umalis nang maaga nitong Miyerkules sa Zambales para sa civilian mission sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea (WPS).
Pinangunahan ang misyon ng Atin Ito coalition na sinamahan ng daan-daang volunteers kabilang ang tatlong observers at journalists.
“The primary objectives of the mission are to conduct a ‘peace and solidarity regatta’ within our EEZ, during which symbolic markers/buoys emblazoned with the rallying cry ‘WPS, Atin Ito!’ (WPS is ours!) will be placed to reinforce our country’s territorial integrity,” sinabi ni Atin Ito co-convenor at Akbayan president Rafaela David .
Namahagi rin ng gasolina ang grupo sa mga Pilipinong mangingisda sa lugar.
Sinabi ni David nitong Miyerkules na ang civilian supply mission ay binubuo ng limang commercial fishing vessels at 100 mas maliliit na fishing boat.
Humigit-kumulang 200 boluntaryo kabilang ang mga tripulante ang nakasakay sa limang komersyal na sasakyang-dagat, habang ang 100 mangingisda ay nasa maliliit na bangka. Kabilang sa mga organisasyong lumahok sa civilian mission ay ang mga sumusunod:
New Masinloc Fishermen’s Associations
Subic Commercial Fishing Association Incorporated
Mabayo Agri Aqua Association in Bataan
Pambansang Katipunan ng Samahan sa Kanayunan (PKSK)
Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka (PAKISAMA)
Center for Agrarian Reform, Empowerment and Transformation (CARET)
Akbayan Youth
Student Council Alliance of the Philippines (SCAP)