Home NATIONWIDE Rep. Garin naghain ng kasong cyber-libel, perjury vs 18 ex-marines, abogado

Rep. Garin naghain ng kasong cyber-libel, perjury vs 18 ex-marines, abogado

3
0

MANILA, Philippines – Personal na nagtungo sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) si Iloilo 1st District Rep. Janette Garin upang maghain ng reklamong cyber-libel at/o perjury  laban sa 18 ex marines at Atty.Levito Baligod.

Ayon kay Garin, minarapat niyang maghain ng reklamo dahil malinis ang kanyang konsensya at walang siyang ni isang maleta o bag na natanggap o naibigay sa kanya, sa kanyang opisina o maski sa sinumang miyembro ng kanyang pamilya.

Dagdag pa, ang kanyang paghahain ng reklamo ay upang matanong ng direkta ang mga dating sandalo patungkol sa alegasyon.

“Minarapat kung may-file para harap-harapan matanong ko sila, sino, kailan at saan sila nagbitbit ng allegedly maleta”, sabi ng Kongresista.

Sinabi pa ng mambabatas na nanindigan siya sa kanyang desisyon sang-ayon sa pagpursige ng kanyang abogado,pamilya at constitunents.

Giit niya , hindi dapat hinahayaan ang malaking kasinungalingan lalo na kung nagpapahamak sa integridad ng isang tao. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here