MANILA, Philippines – Kinikilala ng Department of Justice (DOJ) ang trahedyang pagkalunod na ikinamatay ng mga manlalaro ng Ateneo men’s basketball na sina Rene Baterbonia at Divine Adili sa Dipaculao, Aurora.
Sa inilabas na pahayag ng DOJ, inatasan ang National Bureau of Investigation (NBI) Central Office na bumuo ng task force para magsagawa ng masusi, komprehensibo, at walang kinikilingang imbestigasyon sa mga pangyayari sa insidente.
Bilang bahagi ng imbestigasyon, tutukuyin ng NBI kung may sapat na batayan para magrekomenda ng pagsasampa ng kaso sa DOJ.
Nananatiling nakatuon ang DOJ sa pagtiyak na lubos na malalaman ang mga katotohanan at maibigay ang katarungan.
Sa inilabas na update ng pamunuan ng Ateneo de Manila kahapon sa kanilang website kaugnay sa pagkamatay ng dalawang atleta, nakikiisa sila sa pagdadalamhati ng pamilya nina Baterbonia at Adili at sinabi na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan para sa suporta at tulong sa panahong sila ay dumaraan sa malaking pagsubok.
Nananatiling nakatuon ang Unibersidad sa kanilang pangako na pangalagaan ang pamilya nina Baterbonia at Adili, sa pagsuporta sa team at coaching staff at sa paghanap ng maingat at masusi ng pag-unaware sa mga pangyayari sa likod ng trahedyang ito.
Sa na unang imbestigasyon ng pulisya, ang dalawang ay lumalangoy nang matangay ng malakas na agos sa malalim na bahagi ng tubig. Jocelyn Tabangcura-Domenden