Home NATIONWIDE Visayas grid isasalalim sa yellow alert ngayong Miyerkules, Mayo 15

Visayas grid isasalalim sa yellow alert ngayong Miyerkules, Mayo 15

MANILA, Philippines- Isasailalim ang Visayas grid sa yellow alert mula ala-1 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi ngayong Miyerkules, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Base sa anunsyo ng NGCP, ang Visayas grid ay mayroong available capacity na 2,926 megawatts (MW) at peak demand na 2,596 MW.

Sa classification system ng NGCP, itinataas ang yellow alert kapag hindi sapat ang operating margin para sa contingency requirement ng transmission grid. RNT/SA