Home METRO NCRPO: Mga kalsada ‘generally peaceful’ sa gitna ng paghuli sa unconsolidated PUVs 

NCRPO: Mga kalsada ‘generally peaceful’ sa gitna ng paghuli sa unconsolidated PUVs 

121
0

MANILA, Philippines- Nananatiling maayos ang road situation sa Metro Manila sa gitna ng paghuli sa colorum public utility vehicles (PUV), kabilang ang jeepneys, nitong Huwebes, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

“Sa ngayon, wala pa kaming nare-receive na nahuli pero generally peaceful pa naman po itong first day ng implementation,” pahayag ni NCRPO spokesperson Police Lieutenant Colonel Eunice Salas sa isang panayam.

“Wala pa kaming namo-monitor (na stranded passengers) pero meron din po kaming mobility assets na ready for deployment kung sakaling kailanganin po,” dagdag ng opisyal.

Nitong Miyerkules, sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na simula sa Huwebes, sisimulan nitong sitahin ang jeepney drivers na hindi makakapag-consolidate sa mga kooperatiba.

Inihayag ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na ituturing nang ilegal ang operators na hindi nakibahagi sa konsolidasyon bilang bahagi ng PUV Modernization Program matapos ang April 30, 2024 deadline at ang kanilang unconsolidated jeepneys ay ituturing na “colorum.”

“Dahil tapos na rin po ang binigay nating palugit para sa kanila para ‘wag na pong mag-byahe ‘yung mga hindi pa po nag-consolidate,” anang opisyal.

Sinabi ni Guadiz na ang unconsolidated jeepney drivers na mahuhuling bumibiyahe simula ngayong Huwebes ay maaaring maharap sa one-year suspension, habang ang kanilang PUV ay maaaring patawan ng P50,000 penalty at maharap sa 30-day impoundment.

Dahil ito, halos 50 unconsolidated jeepney drivers ang nagdesisyong itigil ang kanilang operasyon sa kahabaan ng Paco-Rotonda-Nagtahan route ngayong Huwebes, base sa ulat.

“Paano po kami bibiyahe kung huhulihin kami ng LTFRB. Biyaheng-biyahe ho kami kung tutuusin lang kami mga driver ko rito puro may mga pamilya na pinapakain,” ani Paronajoda president Paul Dan Dela Cruz. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here