Home NATIONWIDE Problema sa tubig sa CDO nasolusyunan na

Problema sa tubig sa CDO nasolusyunan na

180
0

MNILA, Philippines – PUMAYAG si business tycoon Manny V. Pangilinan, nagmamay-ari ng Cagayan de Oro Bulk Water, Inc. (COBI) sa pamamagitan ng Metro Pacific Water, na i-restore o ibalik ang water supply sa Cagayan de Oro City hangga’t naghahanap ang gobyerno ng long-term solution sa problema nito sa suplay sa tubig.

Sa ult, isinara ng COBI ang main valve ng water pipe kung saan tinamaan ang buong lungsod ng Cagayan de Oro, araw ng Martes matapos na napaulat na nabigo ang Cagayan de Oro Water District na magbayad ng outstanding water bill sa distributor.

Gayunman, nagawa naman ng city government na makakuha ng temporary restraining order (TRO) mula sa korte ilang oras ang nakalipas.

Sa kabilang dako, sa naging talumpati sa Pimentel Convention Center sa Cagayan de Oro City, sinabi ni Pangulong Marcos na kagyat siyang nakipag-usap kay Pangilinan matapos na malaman ang usaping ito.

“Kaya’t noong ito’y nalaman ko ay nakipag-usap tayo kay Mr. Manny Pangilinan ng Cagayan de Oro Bulk Water Inc upang manumbalik ang normal na supply ng tubig habang humahanap tayo ng pangmatagalang solusyon sa probelamang ito,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Pumayag po si Mr. Pangilinan sa ating pakiusap at handa po siyang makipag-usap sa inyong alkalde upang matuldukan na ang suliraning ito at mabigyan ng kinakailangang tubig ang lampas animnapung libong kababayan dito sa CDO,” dagdag na wika ng Pangulo.

Gayundin, ipinag-utos naman ni Pangulong Marcos sa Local Water Utilities Administration na pag-aralan nito ang posibleng pamamamahala sa Cagayan de Oro Water District para tugunan ang problema sa suplay ng tubig sa lalong madaling panahon.

“Hindi lang sa supply ng tubig, pati ang pagtukoy ng angkop (na) water rate at pagtupad sa mga obligasyon nito sa mga konsumer at sa ating mga supplier,” ayon a Chief Executive.

“Hindi natin hahayaan na mapagkaitan ang mga tiga-Cagayan de Oro ng kanilang karapatan na magkaroon ng sapat, malinis at ligtas na supply ng tubig,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, si Pangulong Marcos ay nasa Cagayan de Oro para ipagpatuloy ang kanyang pagbibigay ng tulong sa mga El Niño-hit provinces sa Mindanao.

Personal na iniabot ng Pangulo sa 40 na tinukoy na magsasaka, mangingisda at pamilyang benepisaryo mula sa Cagayan de Oro City at Provinces of Camiguin, Misamis Oriental, at Bukidnon ang cash assistance na nagkakahalaga ng P10,000 bawat isa.

Samantala, kapuwa naman nakatanggap ang City Government ng Cagayan de Oro at ang Provincial Government ng Camiguin ng P10 million na Presidential Assistance habang ang Provincial Government ng Misamis Oriental at Bukidnon ay nakatanggap naman ng P50 million bawat isa.

Dagdag pa rito, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay namahagi naman ng P10,000 sa bawat magsasaka, mangingisda at pamilyang benepisaryo habang ang Tanggapan naman ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay nagbigay ng limang kilong bigas sa bawat attendee.

Namahagi rin ng tulong ang Regional line agencies ng Department of Trade and Industry (DTI), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Labor and Employment (DOLE), at Department of Health (DOH) sa kani-kanilang benepisaryo sa isinagawang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa University of Science and Technology – Southern Philippines.

Nauna rito, namahagi naman si Pangulong Marcos ng financial assistance at nagpaabot ng iba’t ibang government assistance sa mga mangingisda at magsasaka mula Iligan City, Misamis Occidental, at Lanao del Norte.

Sa kabuuan, namahagi si Pangulong Marcos ng mahigit sa P168 million na financial assistance sa Northern Mindanao bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na mapagaan ang epekto ng El Niño. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here