MANILA, Philippines – HINDI papayagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang anumang destabilization plots sa kanyang administrasyon.
Ang katuwiran ng Pangulo, nakatuon ang pansin ng pamahalaan sa pag-develop sa mga lalawigan, probinsiya at kabukiran at labanan ang insurgency.
“We will also not allow agents within the country to destabilize our government and create division within our nation,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang pakikipag-usap sa government troops sa Camp Edilberto Evangelista sa Cagayan de Oro City.
“So, I urge all of you to continue to [demonstrate] your loyalty, patriotism, and service to your country. And let that love of country remain as your compass in your duty to our country and to our people,” ang sinabi pa rin ni Pangulong Marcos sa tropa ng 4th Infantry Division (4ID) ng Philippine Army.
Nanawagan naman ang Chief Executive sa Army troops na panatilihin ang ‘momentum’ ng kanilang operasyon hanggang ang lugar ay ganap na makawala mula sa impluwensiya ng terorista.
Binigyang-diin din ng Chief Executive ang ‘changing times’ at ang mga bagong banta sa seguridad sa bansa.
“I call on you to develop the skills and acquire [knowledge] to combat new forms of warfare, including those that extend up to the digital realm,” binigyang diin ng Pangulo.
“We must be prepared to fight false narratives, disinformation, and digital operations that seek to sow conflict [against us] and among us,” aniya pa rin.
Binalaan naman ng Punong Ehekutibo ang mga kaaway ng bansa na maaaring nagtatago o nakalusot sa mga komunidad at institusyon na pinoprotektahan ng gobyerno.
Sinabi pa nito na nakahanda ang gobyerno na lumaban at magpatupad ng countermeasure para mapigilan ang anumang napakasamang intensiyon at pagtatangka.
Hinggil naman sa local development, sa kasalukuyan, nakapag-invest na ang gobyerno ng P5.3 billion sa 758 proyekto sa 356 barangay, tinukoy ng Pangulo ang kahalagahan ng kanilang paglaban sa communist insurgency.
Kabilang sa mga proyekto ay ang imprastraktura, daan o lansangan, water systems, eskuwelahan at health centers, kung saan 78% ay kinokonsiderang kompleto na.
Ang e-CLIP program ng gobyerno para sa mga dating rebelde sa Northern Mindanao at Caraga region ay naging matagumpay, sinabi ng Pangulo na simula pa noong nakaraang taon, 80% ng enrolled participants ay nakatanggap ng benepisyo gaya ng livelihood training, financial assistance, at mas maraming mahalagang educational opportunities.
“Because of your efforts, these who we consider our adversaries before are now (helping to) build their communities instead of destroying those communities,” ang sinabi ng Chief Executive sa tropa.
“It will ensure peace in formerly conflict-affected areas and prevent communities from falling back into the trap of armed conflict,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo. Kris Jose