COTABATO CITY – Ipinamahagi na ang nasa P40 milyong housing project sa 50 na dating rebelde sa ilalim ng government-Moro Islamic Liberation Front (MILF) peace agreement.
Pinangunahan ni Ustadz Esmael W. Ebrahim, director general ng Ministry of Human Settlement and Development (MHSD) – BARMM), ang nasabing turnover kung saan naipamahagi ang bahay, lupa, at titulo ng bawat property, sa Barangay Banubo, bayan ng Sultan Kudarat.
Mula noong 2019, nakapagbigay na ang BARMM ng 1,000 housing units sa mga mahihirap na benepisyaryo sa Marawi City, sa mga lalawigan ng Tawi-Tawi at Maguindanao del Norte, at sa Special Geographic Area ng BARMM sa lalawigan ng North Cotabato.
Sinabi ni Ebrahim na ang proyektong pabahay ay nagmula sa General Appropriations Act ng BARMM 2022. RNT