MANILA, Philippines – Sinabi ng executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Commission on Public Affairs (CBCP-CPA) na posible ang suhestyon ni Pope Francis na paikliin ang homiliya tuwing Misa.
Ayon kay EDSA Shrine rector Fr. Jerome Secillano, maaaring maghanda ng maikling homiliya ang mga pari sa pamamagitan ng pag-alis ng mga salaysay o anekdota.
Nitong Miyerkules, pinayuhan ng Papa ang mga paring Katoliko na iklian ang kanilang homiliya ng hindi lalagpas sa 8 minuto upang hindi mainip o antukin ang mga mananampalataya.
Idinagdag ni Secillani na walang pormal na polisiya hinggil sa tagal ng isang homiliya tuwing misa.
Ang isang misa ay tumatagal ng halos isang oras. Jocelyn Tabangcura-Domenden