Home NATIONWIDE FDA nagbigay-abiso sa publiko ukol sa mga laruang madaling malunok ng mga...

FDA nagbigay-abiso sa publiko ukol sa mga laruang madaling malunok ng mga paslit

175
0

MANILA, Philippines – Ipinakilala ng Food and Drug Administration (FDA) ang printable do-it-yourself (DIY) version na kilala bilang “Choke Guard”, na inangkop mula sa disenyo ng Australian Competition and Consumer Commission upang maiwasan na ang mga bata ay malagay sa panganib na mabulunan ng mga maliliit na bagay.

Ayon sa FDA, ito ay isang mahalagang tool para protektahan ang mga bata mula sa mga panganib na mabulunan ay ang anti-choking tester.

Idinisenyo upang sukatin ang laki ng maliliit na bagay at masuri ang potesnyal na panganaib ng mga ito, ginagaya ng tool ang mga sukat ng lalamunan ng isang bata.

Ito rin ay nagbibigay ng mabilis at maasahang paraan upang suriin ang kaligtasan ng mga laruan at iba pang mga bagay bago ito ma-access ng mga bata habang naglalaro.

Kasabay nito, naglabas din ng abiso ang Food and Drug Administration (FDA) nitong Hunyo 18 na nagpapaalaa sa kahalagahan ng kaligtasan sa paggamit ng mga laruan at childcare products upang maiwasan ang panganib ng mabulunan.

Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Safe Kids Week, na tamang okasyon upang tugunan kung paano maging ligtas ang mga bata habang sila ay naglalaro.

“Children are naturally curious and tend to explore their environment by putting objects into their mouths. As a result, they tend to swallow things thaht they shouln’t or what we call choking hazards, “ ayon sa FDA.

Binanggit nito ang panganib na mabulunan tulad ng maliliit na bahagi, mga laruang pigurin, alahas, mga natatanggal na bahagi, mga laruang hindi maganda ang pagkakagawa na madaling masira, at mga laruan na may nababaklas na bahagi tulad ng butones, baterya at magnet.

Paalala ng FDA, ito ay dahil ang mga bata ay mayroon lamang maliit na daluyan ng hangin kumpara sa mga nakatatanda, sila ay mas mataas ang peligro na mabulonan na isang mahalagang tignan ng mga magulang at caregivers.

Sinabi ng FDA na ang pagtukoy sa mga choking hazards ay mahalaga upang maiwasan ang aksidente sa pag-alis sa mga bagay na maaring maabot ng mga bata.

Idinagdag nito na ang pag-unawa sa mga panganib na mabulunan ay nagpapakita ng pagkakataon para sa mga magulang at tagapag-alaga na turuan ang kanilang sarili at ang iba tungkol sa mga ligtas na kasanayan para sa mga bata, kabilang ang pagpili ng mga angkpp na laruan para sa kapakanan ng kanilang mga anak.

Sa pamamagitan ng “Choke Guard”, sinabi ng FDA na ang paggamit nito ay nagsasangkot ng mga direktang hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga bata mula sa mga panganib na mabulunan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here