MANILA, Philippines – Magpapaulan sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon ang Southwest Monsoon o Habagat ngayong Linggo, Hunyo 23.
Ayon sa PAGASA, ang Palawan ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na ay kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa habagat.
Ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Zambales, Bataan, at nalalabing bahagi ng MIMAROPA ay makararanas din ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm dahil sa habagat.
Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC