Home OPINION MGA PAGPATAY NAKATATAKOT NA

MGA PAGPATAY NAKATATAKOT NA

169
0

HINDI maganda ang mga nagaganap na krimen ngayon, lalo na ang mga pagpatay.

Hindi lang Pinoy ang mga biktima kundi mga dayuhan.

At hindi rin basta mga dayuhan ang pumapatay kundi mga Pinoy rin.

Kaya nakatatakot na ang mga nagaganap.

MGA PANGYAYARI

Nakapaninindig-balahibong pangyayari ang mga sunod-sunod na pagpaslang sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Nito lang nakaraang mga araw o linggo, siyam ang pinatay na mga dayuhan sa lalawigan ng Pampanga.

Ayon kay Pampanga police director Col. Jay Dimaandal, 6 sa mga ito ang Chinese at Vietnamese, Japanese at Malaysian naman ang iba.

Tatlo sa mga Chinese ang tila nanggaling sa Pasay City at sa bayan na ng Porac pinagpapatay.

Sinunog naman ang Vietnamese sa bayan ng Bacolor habang iniimbestigahan pa ang babaeng Chinese na itinapon ang bangkay sa Mabalacat.

Sabi ni Col. Dimaandala, nakapag-file na sila ng kaso sa para sa mga 8 biktima ngunit nakabimbin pa ang sa babaeng Chinese.

Sino-sino kaya ang mga sinampahan ng kaso rito at ano-ano ang mga motibo sa pagpaslang?

IBINAONG MAG-DARLING

Hinukay naman mula sa ilalim ng lupa ang mga bangkay nina Pampanga beauty queen Geneva Sarita Lopez at Israeli boyfriend na si Yitshak Cohen sa Brgy. Sta. Lucia, Capas, Tarlac.

Sinasabing may hawak nang mga suspek ang Criminal Investigation and Detection Group sa ilalim ni CIDG director Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco.

Isang alyas Jessie ang nagbuko sa krimen sa pagsasabing inupahan siya para imaneho ang sasakyan ng mag-bf at nagulat siyang bangkay na pala ng dalawa ang laman ng sasakyan at inilibing ang mga ito sa isang lote sa nasabing barangay.

Dalawang pangunahing suspek ang hawak na nina Gen. Francisco at sakaling mapatunayang walang partisipasyon si Jessie sa pagpatay, maaari itong maging saksi at makabahagi pa sa reward money para sa ikalulutas ng kaso.

Bagama’t sinasabing lutas na ang kaso, para sa atin hindi pa hangga’t walang naisasampang kaso laban sa mga suspek at sana’y sa lalong madaling panahon, ihahayag na ng pulisya ang mga mapatutunayan nilang may kagagawan sa krimen.

MGA BANGKAY ITINAPON SA CAMARINES SUR

Nauna sa mga ito, dalawang bangkay ng Chinese at Chinese American naman na negosyante ang natagpuang naaagnas na ang katawan sa Sagnay, Camarines Sur noong June 24.

Sa kanilang pagdating ilang araw bago sila natagpuan, sinalubong sila ng mga Chinese at kamag-anak ng isa sa mga biktima sa airport.

Makaraan ang isang araw, nabigla na lang ang mga kamag-anak ng isa sa mga biktima nang pagbayarin sila ng halagang P5 milyon kapalit ng kalayaan ng dalawa.

Pero lumipas na ang mga araw, wala pa rin ang mga biktima hanggang matagpuan na lang ang kanilang mga bangkay sa Camarines Sur.

TURISMO AT KALIGTASAN

Kapag ganito nang ganito ang magaganap, masisira ang imahe ng bansa bilang ligtas na tourist destination para sa mga dayuhan.

Tayo na nga mismo, alanganin at may takot nang basta lumabas ng bahay at magnegosyo o bumili ng ari-arian sa kung saan-saan.

What’s happening to our country?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here