Home METRO Mayor Honey: Manila Zoo ‘di ililipat

Mayor Honey: Manila Zoo ‘di ililipat

137
0

MANILA, Philippines- “Ang Manila Zoo ay bahagi ng kasaysayan ng Maynila, ating kasaysayan, hindi ito magiging Manila Zoo kung ito ay matatagpuan sa ibang lugar.”

Ito ang iginiit ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan kasabay ng pagpapahayag nito ng pasasalamat kay Sen. Francis Tolentino sa kanyang pagmamalasakit sa Manila Zoo.

Ayon sa alkalde, bahagi na ng kasaysayan at pamana ng kabisera ang Manila Zoo kaya’t hindi ito ililipat at mananatili sa kasalukuyang lokasyon nito.

Ang pahayag ng alkalde ay matapos imungkahi ni Tolentino na ilipat ang Manila Zoo sa Masungi Georeserve, Batas, Rizal.

“We want Manila Zoo’s future to be a well-planned, realistic roadmap based on sound science and zoo management, and with due sensitivity to the cherished place of the Manila Zoo in the hearts of Manileños and the childhood memories of many Filipinos,” ani Lacuna.

Iginiit naman ng alkalde na hindi bahagi ng plano ang paglipat ng Manila Zoo. Binanggit niya na pinag-iisipan ng lokal na pamahalaan ang kinabukasan ng Manila Zoo, lalo na mula nang pumanaw ang sikat na elepante na si Mali.

Ibinahagi din ni Lacuna na hinihintay nila ang pagsasabatas ng New Government Procurement Act at pag-apruba sa IRR nito dahil ito ang magiging pangunahing parameter ng mga plano para sa Manila Zoo.

“We are not even talking about the relocation of the animals and the Masungi Georeserve. We are not going there. There could be other options, but Masungi is not on that roadmap,” ayon sa alkalde.

Binigyang-diin ng alkalde ang layunin ng pamahalaang lungsod na gawing isang de-kalidad na zoo ang Manila Zoo na maihahambing sa ibang mga zoo sa Southeast Asia. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here