MANILA, Philippines – Bumisita noong Lunes, pormal na kinilala ng Tingloy, Batangas si Senator Christopher “Bong” Go bilang “adopted son” nito, bilang pagkilala ng lokal na pamahalaan sa kanyang mga kontribusyon sa komunidad.
Isa nang adopted son ng CALABARZON region kung saan nagmula sa Batangas ang kanyang pamilya na Tesoro, naantig si Go sa nasabing pagkilala. Nangako siya na patuloy niyang susuportahan ang mga taga-Tingloy.
“Ang pagkilala na ito ay hindi lamang isang karangalan, kundi isang paalala na patuloy kong gagampanan ang aking tungkulin sa pagtulong sa bawat Tingloyan at sa bawat Pilipino dahil bisyo ko na ang magserbisyo,” sabi ng senador.
“Ipagpatuloy natin ang pagtutulungan para sa kabutihan ng bawat isa. Ang pagiging “adopted son” ko ng Tingloy ay nagbibigay inspirasyon sa akin na palawigin pa ang ating mga programa sa kalusugan at kaunlaran,” idinagdag niya.
Sa regular session noong Hulyo 1, sa pangunguna ni Vice Mayor Dawn Erika Alvarez-Amboy, nagkaisa ang Sangguniang Bayan ng Tingloy na ipasa ang Resolution No. 98 na inaprubahan ni Mayor Lauro Alvarez.
Pinarangalan sa resolusyong si Go sa kanyang hindi natitinag na pangako sa serbisyo-publiko at sa malalim na epekto ng pagpapahalaga niya sa kapakanan at kaunlaran ng munisipalidad.







