Home ENTERTAINMENT Coco, nagpadala ng flowers kay Julia, alam nang mananalo sa Eddys?

Coco, nagpadala ng flowers kay Julia, alam nang mananalo sa Eddys?

151
0

Manila, Philippines – Naka-tie ni Julia Montes sa Best Actress si Charlie Dizon sa nakaraang 7th edition ng Eddy’s.

Nanalo si Julia para sa pelikulang

Five Breakups and a Romance kasama si Alden Richards.

Pero tila nahulaan ng rumored boyfriend ni Julia na si Coco Martin ang pagkapanalo ng huli.

The night kasi before the awarding ceremony ay “may pa-flowers si mayor!”

Kinilig nga si Julia sa ka-sweet-an ng actor-director na sinorpresa siya ng malaking flower arrangement.

Finlex ito ni Julia via a short video sa kanyang Facebook account.

Ang siste, papasok si Julia sa isang office room.

Inside, she was greeted by direk Irene Villamor.

As usual, a warm beso-beso ensued.

“Tingnan mo muna ‘to,” dayalog ng lady director kay Julia sabay turo sa mga naggagandahang bulaklak.

The fresh flowers came with a card na binasa ni Julia habang tumalikod.

Galing ang mga ‘yon kay Coco who seemed to have predicted Julia’s victory.

Pinusuan naman ng mga netizens ang sweet gesture na ‘yon ni Coco.

Maging ang mga netizens couldn’t help but feel giddy for Julia.

Puwede ring sabihing pampa-good luck ang mga bulaklak na ‘yon for tomorrow’s night event.

Alangan namang nag-leak ang resulta ng Eddy’s winners, ‘no! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here