Home OPINION KOMPROMISO SA ‘CONFINED SPACE ENTRY’ BAWAL

KOMPROMISO SA ‘CONFINED SPACE ENTRY’ BAWAL

159
0

MADAMING buhay na ang kinitil ng pagpasok sa tinatawag na “confined space” pero bakit nga ba hindi pa rin natututo magpahanggang ngayon ang ilan nating kababayang nagtatrabaho rito? Sandamukal na ang mga kuwento ng trahedya na nangyari sa iba’t-ibang panig ng mundo.

May kuwentong apat sa limang katao na pumasok sa confined space ng isang oil rig drilling facility ang binawian ng buhay dahil sa pagkalanghap ng nakamamatay na hydrogen sulfide. Iba-iba rin ang kuwento sa Saudi Arabia, United States, United Kingdom at iba pa, pero iisa lang ang kinahantungan ng mali at hindi planadong pagpasok — ito ay ang kamatayan ng mga obrero.

Ano nga ba ang confined space? Ito ang mga lugar tulad ng sewer, tangke ng tubig, malalaking pipelines, malalim na excavation, tunnels at iba pa na na napakadelikado para pasukin dahil hindi naman siya naka-design for human occupancy.

Maliban sa masikip, malalim at madilim-nagtataglay din ito ng mga nakalalason at flammable gas. Hindi ka basta-basta makahihinga sa loob ng confined space dahil walang kasiguraduhang sapat ang oxygen level sa ganitong lugar.

Eh’, bakit nga ba kailangang pasukin? Syempre ginagawa ito ayon sa hinihingi ng trabaho katulad ng tank cleaning, pipeline preparation, sewer maintenance at iba pa.

May mga paraan naman kung hindi talaga kayang iwasan ang pagpasok dito. Unang-una sa listahan ang pagkakaroon ng hazard, identification, risk assessment and control o HIRAC. Sa pamamagitan nito madaling matukoy ang mga hazard at mga control measure na nararapat na ilagay at ipatupad ng manager, supervisor at foreman bilang pananggalang para maiwasan ang aksidente at para na rin maprotektahan ang mga miyembro ng emergency rescue operation.

Kadalasang nangyayari sa field ang hindi awtorisadong pagpasok sa ganitong lugar, kawalan ng safety officer, kawalan ng bentilasyon, gas measurement, lack of training, lack of emergency rescue plan and equipment tulad ng self-contained breathing apparatus o SCBA at iba pa.

Kaya ang payo natin sa mga negosyante na may patrabahong nauukol sa ganitong lugar, Kumpletuhin ang mga kailangan na nakapaloob sa occupational safety and health program o construction safety and health program para masigurong ligtas at makauuwi ang lahat pagkatapos pumasok sa confined space.

Hindi baleng gumastos, basta’t masigurong zero casualty ang resulta pagkatapos ng trabaho.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here