Home OPINION PAMPANGA PPO, CENTRAL LUZON UPER CHAMPION

PAMPANGA PPO, CENTRAL LUZON UPER CHAMPION

87
0

DAHIL sa kanilang ‘di matatawarang dedikasyon sa kahusayan sa serbisyo at pagtupad sa tungkulin ay nagbunga rin ang kasipagan ng ‘men and women’ ng Pampanga Police Provincial Office.

Siyempre, ito ay dahil sa magaling na patnubay ni P/Col. Jay Dimaandal sa kanyang mga tauhan sa lalawigang tinawag na Culinary Capital of the Philippines kaya naman nanguna ang Pampanga PPO sa regional-wide Unit Performance Evaluation Rating o UPER.

Nakuha ng Pampanga PPO ang  pinakamataas na rating na 97.31 kaya nahirang na Central Luzon Police UPER champion sa  buwan ng Hunyo.

Ang UPER ay isang sistema na nagsisilbing gabay o sukatan para sa evaluation ng mga unit sa Philippine National Police kung paano isinasagawa’t isinasakatuparan ang kanilang mandato, pahayag ni  P/BGen. Jose ‘Daboy’ Hidalgo, Jr.

Dinisenyo ito bilang standard tool ng PNP na gagamitin para sa komprehensibong pagsusuri sa pagganap ng iba’t ibang opisina at yunit ng pambansang pulisya sa buong bansa, ayon pa sa Police Regional Office 3 director.

Pinuri  ni Dimaandal ang mga dedikadong tauhan ng Pampanga PPO na ang ‘di-natitinag na dedikasyon at walang pagod na pagsisikap ang nagtulak at laglagak sa provincial command sa ganitong kahanga -hangang tagumpay.

Ang kanilang pagtitiwala sa pagpapanatili ng  halaga ng integridad, propesyonalismo at pagsisilbi sa publiko ay nagpakita ng pinakamataas na pamantayan ng PNP.

Ang kahanga-hangang tagumpay na ito ay hindi lamang nagpapakita ng exemplary leadership ni Dimaandal kundi nagpapalakas din ng kolektibong pagsisikap at pagkakaisa na ipinakita ng bawat miyembro ng Pampanga PPO.

Ang kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at seguridad sa komunidad na kanilang pinagsisilbihan ay tunay na nakabibilib kung kaya’t karapat-dapat sa pagkilala ang naturang provincial command.

Hurrah kay Col. Dimaandal at mabuhay ang mga pulis ng Pampanga PPO.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here