Home OPINION MARRIED, DIVORCED, MAY ANAK KA? MAG-MS. U NA!

MARRIED, DIVORCED, MAY ANAK KA? MAG-MS. U NA!

183
0

BINUKSAN na ng bansang Singapore ang Miss Universe Pageant para sa mga may-asawa, diborsyado at may anak, bukod sa mga single.

Basta nag-18 na ang babae, wala nang sagabal sa pagkandidata ngunit dapat na 168 sentimetro 5 feet 6 inches pataas ang tangkad nito, Singaporean at nakatira sa Singapore ng 6 na buwan bago mag-Setyembre 1, 2024.

Noong nakaraang taon, hindi sinusukat ang tangkad, dapat na edad 18-28, single at walang asawa ang kandidata.

Ngunit binago na ang patakaran sa mga kandidata.

Kung titingnan ang patakaran sa patimpalak na ito, noong 2022 binuksan ang pagluluwag sa mga aplikante at bago nito, bawal ang may-asawa, diborsyado, buntis at may anak.

Nagsimula naman ang pagluluwag sa edad noong 2023.

Ngunit hanggang sa ngayon, pinag-uusapan pa kung pupwede ang transgender o lalaking naging babae.

Gayunman, pinayagan sa Portugal ang pagsali ng isang transgender na si Marina Machete noong 2022 at nanalo itong Ms. Portugal.

Pero bago siya, nanalo bilang Ms. Universe Spain si transgender Angela Ponce noong 2018.

Paano naman kaya kung may buntis at kitang-kita na ito sa isang contestant o sabihin nating nasa 7 buwan o malapit nang manganak kaya?

Sa Pilipinas, si Bulakenyang Chelsea Manalo ang nagwagi at ipagwawagaywayan nito ang dangal, ganda, talino at galing ng babaeng Pilipina sa Mexico sa Nobyembre 2024.

Sa Pilipinas naman, edad 18-27 ang pupwedeng sumali at hindi na mahalaga kung may asawa o wala ang kandidata at walang sukatan sa tangkad.

Ano kaya ang mga susunod na pagbabago sa mga patakaran para sa patimpalak na ito?

Pero sa kabuuan, maganda na ring ang pangyayari dahil ang gusto namang palabasin talaga ng patimpalak ay ang talino, galing, ganda, dangal at iba pang katangian na makapag-aangat ng dangal ng kababaihan, kontribusyon nila sa lipunan, pagkakapantay-pantay ng lahat at pagbabago ng mundo sa mas mabuting kalagayan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here