Home ENTERTAINMENT KC, nag-setup ng gym, kakarerin ang pagpapa-sexy!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES KC, nag-setup ng gym, kakarerin ang pagpapa-sexy!July 12, 2024 18:501310 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – May bagong pagbabanta si KC Concepcion.No, this is not literally a threat kundi isang pangako na kakaririn na niya sa pagkakataong ito ang pagpapa-sexy!In her Instagram account, flinex ni KC ang pagpapa-set up niya ng kanyang sariling gym sa bahay niya.Aniya, she gets this very good energy these days.Dagdag niya: “What better way to welcome this aura than setting up my own home gym?”Katu-katulong daw niya ang kanyang mga kaibigan to see the said fitness corner built with the necessary equipment for her “balik-alindog program.”Kabilang doon ay ang bike, weights, etc.Sey pa rin niya sa post patungkol sa kanyang mga friends: “They bring me laughter and fresh flowers in return when they come over.”Ang pagnanais ni KC to stay fit ay pagtalima na rin sa payo ng kanyang mga tagahanga’t netizens na ibalik ang kanyang dating pangangatawan.Obyus na tinablan si KC sa payo na ‘yon which in fairness ay meron namang magandang hangarin.Pero ang mas inaaabangan pa rin ng kanyang mga IG followers ay kung para saan ang balik-alindog program ni KC?Hindi nga ba’t balitang break na sila ng Swiss guy na si Mike Wuetrich, so kanino nagpapa-sexy si KC?Teka, hindi ba puwedeng for self-gratification? Ronnie Carrasco III