MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Transportation (DOTr) sa publiko laban sa mga nagpapanggap na “railway undersecretary” at nanghihingi ng pondo o pagpasok sa isang business transactions.
Sa abiso nitong Biyernes, Hulyo 12, sinabi ng ahensya ang mga supplier at contractor na huwag makipagtransaksyon sa mga taong tumatawag,nag-eemail o nagpapadala ng mensahe sa social media na nagsasabing sila ay si Undersecretary Jeremy Regino.
“The Office of the Undersecretary has not authorized anyone to solicit, in any form, on his behalf,” ayon sa DOTR.
Hinimok ng ahensya ang publiko na huwag magbabahagi ng confidential information katulad ng pricing, account details, o login credentials sa mga potential scammer.
Nagbabala rin ito sa mga nagpapanggap na mananagot sa batas at gagawa ng legal na hakbang laban sa mga sangkot dito. RNT/JGC