MANILA, Philippines – Inirekomenda ng Zamboanga City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ang pag-aalis ng state of calamity sa lungsod kasabay ng pagbabalik sa normal sa suplay ng tubig.
Ang water level sa Pasonanca diversion ay nagbalik-normal na sa 74.20 meters.
Ayon sa Zamboanga City Water Distrcit (ZCWD), balik sa normal na ang suplay ng tubig dahil ang water treatment facility ay nakakapaglabas na ng mahigit 78.5 milyong litro ng tubig kada araw sa mga consumer nito.
Ipapasa na sa City Council ang CDRRMC resolution na nagrerekomenda sa pag-aalis ng state of calamity.
Pinagbatayan din sa desisyon ang pag-aanunsyo ng PAGASA na posibleng magpatuloy ang mga malalakas na pag-ulan bago pa magsimula ang La NiƱa. RNT/JGC