MANILA, Philippines- Binalewala ng isang political analyst nitong Sabado ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na itinalaga niya ang kanyang sarili bilang “designated survivor” ng pamahalaan nang magdesisyon siyang hindi dumalo sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sinabi ng political analyst na si Froilan Calilung, isang political science professor sa University of Santo Tomas (UST), “I don’t think the vice president… will actually wish anything wrong to happen to our public officials.”
“I think hindi ito ‘yung konteksto at uri ng pagkatao na mayroon tayo bilang mga Pilipino,” Calilung said.
Inanunsyo ni Duterte nitong Huwebes na hindi siya dadalo sa SONA, inihayag pang “I am appointing myself as the designated survivor.”
Bagama’t hindi idinetalye ng Bise Presidente ang kanyang pahayag, mayroong eksena sa isang television series na pinamagatang Designated Survivor, mayroong US at South Korean versions, ng paghahayag ng Presidente ng kanyang state address nang biglang sumabog ang bomba at wasakin ang buong venue.
Sa palabas, nagresulta ito sa pagkasawi ng ilang dumalo, kabilang ang presidente at mga pampublikong opisyal para sa pwesto.
Binalewala rin nina Senate President Francis Escudero at Senator Sherwin Gatchalian ang pahayag ni Duterte, habang sinabi ni House Senior Deputy Speaker Dong Gonzales na dapat imbestigahan ang Bise Presidente sa kanyang mga pahayag dahil tila ipinahiwatig umano nito “that something bad will happen” kapag inilahad ng Pangulo ang kanyang SONA.
Sinabi ni Calilung na bagama’t hindi mahalaga sa SONA ang presensya ni Duterte, bilang bise presidente, “it creates a great deal of political drama.”
“I think it will try to steal the [spotlight] away from the policies, the programs, and the good things that the government tried to accomplish because it might, sort of, be overshadowed by the vice president not attending the event,” aniya. RNT/SA