Manila, Philippines – Dumagdag si Karla Estrada sa humahabang listahan ng mga expectant celebrity lola.
Una nang naiulat na magiging third-time lola si Ms. Lorna Tolentino who’s expecting a baby boy na anak ng kanyang ikalawa’t bunsong anak kay Rudy Fernandez na si Renz.
This time around, it’s Karla Estrada’s turn na maranasan ang pagiging lola.
Kamakailan nga’y ikinasal sa huwes ang kanyang anak na si JC, kapatid ni Daniel Padilla.
JC married his non-showbiz girlfriend Nathalia Valdivia sa seremonya in San Juan City.
Halata na rin ang baby bump ni Nath (tawag sa kanya ng biyenang si Karla).
Post nga ng Face to Face host sa mag-asawa: “May the years ahead be filled with lasting joy!”
Tinawag ni Karla na “made in Heaven” ang pag-iisang-dibdib nina JC at Nath.
A lola in her 50s, “Mamita” ang gusto itawag sa kanya ng apo niyang lalaki.
Sa mga magkakaibigan sa showbiz, si Karla ang unang magiging lola ahead of Ruffa Gutierrez and Marjorie Barretto. Ronnie Carrasco III