MANILA, Philippines- Nagtapos ang low-turnout plebiscite sa Tupi, South Cotabato nitong Sabado sa tagumpay ng pagtatatag ng bagong barangay.
Sinuportahan ang paglikha ng Barangay Juan-Loreto Tamayong 96.3%, o 2,393 sa 2,485 botante mula sa mga barangay ng Cebuano, Linan, at Miasong, na nakiisa sa plebisito, base sa Commission on Elections.
Nakapagtala naman ng 89 indbidwal na tumutol sa panukala.
Subalit, 25.45% lamang sa 9,765 registered voters ang nakaboto.
Lilikhain ang Barangay Juan-Loreto Tamayo mula sa tatlong barangay alinsunod sa Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 158, s. 2023. RNT/SA