Home OPINION LA NIÑA AT HABAGAT HARAPIN NA

LA NIÑA AT HABAGAT HARAPIN NA

187
0

NARITO at nananalasa na ang dalawang masamang panahon: ang La Niña at habagat.

Dapat nang maghanda ang lahat dahil talaga namang mapanira ang mga ito.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, sobrang ulan kumpara sa dala ng tag-ulan ang hatid ng La Niña habang alam na ng lahat na nagdadala ang habagat ng mga mapanirang hangin at malalakas na ulan.

Heto ang sampol ng dalawa na dapat nating alalahanin na maaaring mangyari rin sa atin.

Sa Sultan Kudarat at Maguindanao, sinalakay sila ng La Niña at habagat simula noong Martes.

Dahil sa flashflood, lima sa Maguindanao del Norte at dalawa sa Lanao del Sur ang nasawi sa pagkalunod.

Ang lima sa Matanog, Maguindanao del Norte, natagpuan at nailibing na.

Dalawang tulay naman ang nasira kaya hindi na magagamit ang mga ito ng mga mamamayan sa kanilang paglalakbay at paghahanapbuhay.

Ang mga tulay sa pagitan ng Cotabato City, Lebak at Palimbang ang nasira.

Gatao naman ang taas ng tubig-baha at maraming tahanan ang lumubog, kasabay ng pagkasira ng maraming pananim, hayup at ari-arian.

Buhay, ari-arian at hanapbuhay, mga brad, ang mga nakataya sa tag-ulan ng may La Niña at habagat.

Kapag sinamahan ng malakas na bagyo na may malakas ding ulan ang mga ito, tiyak na hindi na sasapat ang pagdarasal bilang pangontra.

Ang isa sa mga dapat gawin ay laging magbukas ng anomang anyo ng daluyan ng impormasyon gaya ng diaryo, radio, telebisyon, social media ukol sa masamang panahon na iniaanunsyo ng PAGASA.

Kasunod na nito ang pagsubaybay sa mga babala ng pamahalaang pambansa at mga lokal na pamahalaan.

Dapat makinig at sumunod tayo sa kanilang mga habilin at utos pero dapat din tayong kumilos nang hindi maghihintay sa mga ito kung naririyan na sa ating harapan ang mga panganib.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here