DAVAO – Patay ang dalawang menor de edad habang 200 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Barangay 2A sa Davao City nitong Sabado ng gabi.
Ayon sa mga unang rumesponde, nasa edad 11 at 14 ang dalawang namatay sa sunog habang isa ang nasugatan.
Natagpuan ng Bureau of Fire Protection ang bangkay ng dalawang bata na magkayakap.
Natupok din ng apoy ang nasa 150 bahay sa lugar. Umabot sa ikatlong alarma ang sunog.
Inaalam na ngayon ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog. RNT