Home OPINION ASASINASYON MERON DIN SA PINAS

ASASINASYON MERON DIN SA PINAS

236
0

KANYA-KANYANG kondena sa naganap na bigong asasinasyon o pagpatay kay dating United States President Donald Trump sa Pennsylvania habang nangangampanya ito laban kay President Joe Biden para sa halalang pampanguluhan sa Nobyembre 2024..

Tama lang naman na kondenahin  dahil hindi naman pupwedeng daanin sa kamatayan ang anomang sigalot nang hindi dumaraan sa paglilitis ng hukuman.

Sa Pennsylvania na roon ginawa ang bigong pagpaty kay Trump nang tamaan lang sa kanang tainga ng bala ng baril, nanatili ang parusang bitay sa mga gumagawa ng karumal-dumal na krimen bagama’t wala pang binibitay mula noong 1999.

Subalit kailangan na ang pamahalaang Pennsylvania ang maggagawad ng parusang kamatayan kay Trump kung may krimen itong nagawa na may parusang kamatayan at hindi kung sino-sino lang.

Si Thomas Matthew Crooks, 20 anyos, isang math wizard sa high school, ang bumaril kay Trump mula sa tuktok ng gusali mga 200 metro ang layo sa biktima.

Sayang nga lang na napatay agad ng isang sniper na gwardiya ni Trump si Crooks at nawalan ng pagkakataon na malaman ang motibo nito.

Nang ma-assassinate si Pang. John Kennedy sa Dallas, Texas noong Nobyembre 21, 1963, nahuli ang killer na si Harvey Oswald, 24, at impluwensiyado ng komunismo.

Gayunman, hinihinalang dalawa ang bumaril kay Kennedy dahil dalawang bala ang tumama sa kanya: isa ang tumama sa leeg at tumagos sa kanyang bunganga habang isang bala, saktong tumama sa ulo nito at parehong galing sa likod ang mga bala.

Pinatay naman si Oswald ng isang Jack Ruby sa parking garage sa City Hall ng Dallas makaraan ang dalawang araw kaya hindi na dumaan sa paglilitis ito sa pagpatay kay Kennedy at wala nang balita hanggang ngayon kung sino ang pangalawang bumaril sa kanya.

Ito palang si Crook ay rehistradong Republican o kapartido ni Trump ngunit nagdonasyon din sa kampanya ng mga Democrat na pinamunuan ni Biden.

May partikular lang tayong katanungan: Bakit mga kabataan, 20 anyos (si Crooks) at 24 anyos (si Oswald), ang nagsagawa ng nasabing mga krimen?

SA PINAS

Sabi ng ilang historyador, may mga asasinasyon din sa Pinas at hindi lang sa US at sa ibang bansa.

Base sa kasaysayan, maituturing na asasinasyon umano ang kamatayan noon ni Supremo Andres Bonifacio  sa kamay umano ni Heneral Emilio Aguinaldo lalo’t itinuring ang huli na unang Pangulo ng Pilipinas.

Para sa mga historyador, agawan ng kapangyarihan umano ng naging pangunahing dahilan ng pagpatay bagama’t ginawang rason ang umano’y treason o pagtataksil sa bayan at sedisyon ni Bonifacio sa itinayong revolutionary government.

Ayon naman sa iba, hindi umano asasinasyon iyon kundi pagpaparusa na iginawad ng lehitimong pamahalaan.

Hindi naman malinaw kung binaril, pinagsasaksak o pinagtataga si Bonifacio sa Mt. Nagpatong sa Maragondon, Cavite noong Mayo 10, 1897.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here