Home NATIONWIDE LGBTQ member minartilyo ng karelasyon, patay

LGBTQ member minartilyo ng karelasyon, patay

146
0

Patay ang isang miyembro ng LGBTQIA+ community sa Davao City matapos siyang hampasin ng martilyo sa ulo ng kanyang umano’y karelasyon.

Natagpuan ang 30-anyos na biktima sa loob ng kanilang silid sa isang subdivision sa Barangay Bago Aplaya noong Linggo, Hulyo 14, 2024.

Sinabi ni Davao City Police Office (DCPO) Spokesperson, Captain Hazel Tuazon na nag-away umano ang biktima at ang suspek noong Hulyo 12, 2024, ngunit nakita umano silang nag-iinuman kinabukasan ng gabi.

Tinitingnan ng mga imbestigador ang selos bilang motibo sa pagpatay.

Ang suspek ay nakitang lumabas ng kanilang bahay ng umaga noong Linggo. Siya ay naaresto sa Malalag, Davao del Sur noong gabi.

Tumangging magkomento ang suspek na nahaharap sa kasong murder. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here