Home HOME BANNER STORY Maguindanao del Sur nasa gitna ng delubyo!

Maguindanao del Sur nasa gitna ng delubyo!

135
0

COTABATO CITY – Isinailalim sa state of calamity ang Maguindanao del Sur dahil sa nararanasang malawakang pagbaha.

Ang hakbang ay matapos aprubahan ng provincial board nitong Martes ang isang resolusyon na nagdedeklara sa buong lalawigan sa state of calamity dahil sa malawakang pagbaha na nagpalubog sa 17 sa 24 na munisipalidad at nakaapekto sa mahigit 60,000 pamilya.

Sinabi ni Tim Ambolodto, provincial disaster risk reduction and management officer, na inirekomenda ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council na ilagay ang lalawigan sa ilalim ng calamity upang bigyang-daan ang pamahalaang panlalawigan na gamitin ang calamity funds nito.

May kabuuang 123 barangay sa 17 sa 24 na bayan sa Maguindanao del Sur ang nanatili sa ilalim ng tubig dahil sa mahina hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa lalawigan at mga kalapit na lugar nitong mga nakaraang araw.

Ang Maguindanao Sur ay matatagpuan sa itaas na bahagi ng Liguasan Marsh, na nagsilbing catch basin ng tubig-baha mula sa Bukidnon, Cotabato, Sultan Kudarat, at South Cotabato provinces.

Ang baha ay kumitil sa buhay ng isang 22-anyos na lalaki na nalunod sa Barangay Damalasak, bayan ng Pagalungan, noong Linggo, habang sinusubukang iligtas ang kanyang baka.

Sinabi ni Ambolodto na hindi pa matukoy ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian ng sibilyan, agrikultura, at hayop. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here