Home NATIONWIDE PH remittances bahagyang lumakas nitong Mayo- BSP

PH remittances bahagyang lumakas nitong Mayo- BSP

116
0

MANILA, Philippines – BAHAGYANG nag-rebound ang remittances mula sa overseas Filipino workers (OFWs) nito lamang buwan ng Mayo kasunod ng 11-month low na naitala sa nakalipas na buwan.

Nakasaad sa data na ipinalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang cash remittances o money transfers sa pamamagitan ng mga bangko o formal channels ay nananatili sa $2.583 billion noong Mayo, mula sa $2.562 billion noong Abril, at 3.6% na mas mataas kaysa sa $2.494 billion sa kaparehong buwan noong 2023.

Ang Inflows mula sa land-based workers ay nananatili sa $2.06 billion, habang ang natitirang $0.52 billion ay nagmula naman sa sea-based workers.

“This brought the year-to-date cash remittances up 3.0% to $13.365 billion from $12.981 billion in the comparable period of the previous year,” ayon sa BSP.

“The growth in cash remittances from the United States, Saudi Arabia, and Singapore contributed mainly to the increase in remittances in January-May 2024,” ayon pa rin sa kalatas ng Bangko Sentral.

Samantala, ang Estados Unidos ay may kalkulasyon na 40.9% ng kabuuang remittances para sa five-month period, sinundan ng Singapore na may 7.2%, Saudi Arabia na may 6.1%, Japan na may 5.1%, United Kingdom na may 4.7%, United Arab Emirates wna may 4.0%, Canada na may 3.4%, South Korea na may 2.8%, Qatar na may 2.8%, at Taiwan na may 2.7%. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here