Home NATIONWIDE NCRPO tutulong sa traffic adjustments sa ASEAN Summit

NCRPO tutulong sa traffic adjustments sa ASEAN Summit

1
0

MANILA, Philippines – Magtatalaga ng mga tauhan ang National Capital Region Police Office sa mga pangunahing kalsada at intersection na maaapektuhan ng traffic adjustments sa papalapit na 49th ASEAN Summit and Related Summits.

Inatasan ang lahat ng limang NCRPO police districts para maglatag ng assistance posts at masigurong magagabayan ang publiko dahil ang designated bus lanes ay pansamantalang gagawing ASEAN lanes na para lamang sa mga official vehicle at delegasyon.

Ipinatutupad din ang road closures at rerouting schemes sa paligid ng Philippine International Convention Center at Cultural Center of the Philippines Complex.

Makikipag-ugnayan naman ang pulisya sa Metropolitan Manila Development Authority at local traffic management offices sa pangangasiwa ng daloy ng trapiko, paggabay sa mga motorista sa mga alternatibong ruta, at maiwasan ang pagsisikip sa daloy ng trapiko.

Maglalagay din ng dagdag na mga tauhan tuwing peak hours para naman sa hinaing ng mga commuter, rumesponed sa mga aksidente at nasirang sasakyan, at iba pang roadside emergencies.

Hinimok naman ng NCRPO ang publiko na planuhin ang biyahe at maging alerto sa mga road closures. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here