Home NATIONWIDE Mga hepe ng pulisya inalerto sa paghahanap kay Guo

Mga hepe ng pulisya inalerto sa paghahanap kay Guo

159
0
Kuha ni Cesar Morales l Remate File Photo

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine National Police (PNP) na inatasan nito ang mga regional director at police chief na tumulong sa Senado sa pag-aresto kay suspendido Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, at pitong iba pa.

Ito ay matapos simulan ng Office of the Senate Sergeant at Arms (OSSA) ang paghahanap laban sa alkalde, kina Sheila Leal Guo, Wesley Leal Guo, Jian Zhong Guo, Seimen Guo, at ang kanyang pinaghihinalaang ina na si Wen Yi Lin, gayundin si Dennis Cunanan at ang accountant ni Guo na si Nancy Gamo, kasunod ng pagpapalabas ng utos ng pag-aresto ng Kamara laban sa kanila.

Nabatid pa na sa ngayon, tanging si Gamo lamang ang natagpuan sa kanyang address at dinala sa Senado ng arresting team noong Sabado.

Sa press briefing na ginanap sa Camp Crame, sinabi ni PNP spokesperson Colonel Jean Fajardo na nakaalerto na ang mga hepe ng pulisya sa mga lugar kung saan may address ang mga akusado.

“Dun sa arrest warrants na inissue laban kay Mayor Alice Guo at iba niyang associates, associated sa kanya, nung nakaraang weekend na nag-provide ng security assistance ang PNP yung mga personnel ng senate sergeant at arms na ito,” dagdag pa nito.

Kaugnay nito sinabi ni Senator Risa Hontiveros, chairperson ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality, na inutusan din ang walo na humarap sa kanyang komite sa Hulyo 29.

Ang mga subpoena ay nilagdaan ni Hontiveros at inaprubahan ni Senate President Francis Escudero. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here