Home NATIONWIDE Petisyon ni Quiboloy vs senate probe ipinababasura sa SC

Petisyon ni Quiboloy vs senate probe ipinababasura sa SC

106
0

MANILA, Philippines – Ipinababasura ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Supreme Court (SC) ang petisyon ng puganteng si Pastor Apollo Quiboloy na kumukwestyon sa parusang contempt at arrest at detention order na inilabas ng Senado laban sa kanya.

Sa 45 na pahinang komento, hiniling ng Senado sa pamamagitan ng OSG na idismiss ang petisyun ni Quiboloy na nananatiling at large.

Nakasaad sa komento na mismong si Quiboloy ang naglagay sa sarili sa sitwasyon dahil kung dumalo ito sa mga pagdinig ng Senado ay hindi ito makalagay sa mahigpit na kalagayan.

Ayon sa OSG, nais ng religious leader na bukod tangi siyang pagbigyan na hindi humarap sa pagdinig dahil sa mga haka-haka at spekulasyon na malalabag ng Senado ang kanyang constitutional right against self-incrimination.

Masyado aniyang malakas ang loob ni Quiboloy para humingi ng tulong sa hudikatura sa kabila ng pagsuway nito sa dalawang sangay ng pamahalaan.

“No other citizen in the history of the Senate’s exercise of this power has acted in such an arrogant, recalcitrant, and contumacious manner,” saad ng OSG.

Magugunita na Enero ipinadala ng Senado kay Quiboloy ang imbitasyon na humarap sa Committee hearing. Sa halip na humarap, ipinadala nito ang kanyang abugado upang dumalo. Matapos ang ilang ulit na subpoena na ipinadala sa kanya, nagdesisyun ang Senado na patawan siya ng contempt at iniutos na maaresto. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here