Home METRO 2 babae kalaboso sa P2.7M shabu

2 babae kalaboso sa P2.7M shabu

113
0

MANILA, Philippines- Nasabat ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mahigit P2.7 milyong halaga ng shabu at naaresto ang dalawang babaeng suspek sa Taguig City niton Miyerkules.

Sa ulat nitong Huwebes, sinabi ni NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez na nadakip sina Elizabeth Villanueva, 26, isang high-value individual, at Clarita Corpuz, 58, sa isang sting operation sa kahabaan ng Mariano St. sa Barangay Ususan ng lungsod bandang alas-6 ng hapon.

Nakuhanan ang mga suspek ng pitong pirasong knot-tied transparent plastic na naglalaman ng shabu at may bigat na 400 gramo na may estimated street value na P2.72 milyon.

Sinabi ni Nartatez na dinala ang mga suspek sa Taguig City Police Station at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here