Home OPINION COMELEC CHAIR WALANG DAGA SA DIBDIB

COMELEC CHAIR WALANG DAGA SA DIBDIB

133
0

BUO ang loob ni Commission on Elections chairman George Garcia na harapin si dating Caloocan City Representative Egay Erice kaugnay sa paratang at atake nito kaugnay sa kanyang umano’y offshore bank account.

Upang ipakita na hindi siya “guilty” ay nagsumite si Garcia ng waiver at handa niyang harapin ang mga paratang at maging mismong ang COMELEC na kanyang pinaglilingkuran sakaling magkaroon ng pagdududa sa kanyang panunungkulan. Kaya naman, hinamon niya si Erice at mga kasama nitong nag-aakusa na ilatag ang kanilang mga ebidensiya sa hukuman.

Pero ang mismong COMELEC at Comelec Employees Union ay malaki ang tiwala kay Garcia at nakasuporta sila sa kanilang chairman. Anang CEU, ang mga alegasyon ng dating mambabatas mula sa Caloocan City ay nakasisira sa integridad at kredibilidad ng kanilang ahensiya lalo pa’t nalalapit na anng halalan.

Dahil matatag at walang kinatatakutan sapagkat aniya ay wala naman siyang ginagawang mali sa kanyang pamumuno sa COMELEC, hinamon ni Garcia ang kampo ni Erice at lahat ng mga naglalabas ng mga akusasyon laban sa kanya na magsampa ng kaso laban sa kanya at handa niyang harapin ito.

Nanindigan itong matikas na chairman ng COMELEC na wala sa bokabularyo niya ang magbitiw sa pwesto o mag-file ng leave para sa delicadeza katulad ng mga panawagan sa social media at hiling ng mga kapanalig ni Erice. Ang katwiran ni Garcia, sakaling may iharap na bank account ang mga nag-aakusa, sinisiguro niyang peke o hindi lehitimo ang mga iyon.

Pinag-aaralan na ng COMELEC ang pagsasampa ng kaso laban sa mga naninirang indibidwal at nagpapakalat ng white paper laban kay Garcia at sa lahat ng commissioner ng poll body.

Isang demolition job ang ipinakalat na isyu laban sa COMELEC na naglalayong sirain ang tiwala ng publiko sa automated election system. Ito ay dahil sa pagkaka-etchepwera ng Smartmatic bilang service provider sa 2025 midterm elections at ang nakakuha ng kontrata at nakapagpabilib sa mga opisyal ng poll body ay ang Miru System ng Korea.

Kumalat ang isyu na halatang “nilangisan” ng todo ang mga nagkakalat kaugnay sa multi-million dollars foreign bank accounts ng opisyal ng Comelec na tumanggap ng $15 milyon mula sa Miru Systems na nailagak sa mga bangko sa Bahamas.

Dapat ngayon pa lang ay magsasagawa na ng imbestigation ang Anti-Money Laundering Council upang malaman ang katotohanan sa kumakalat na pagkakaroon ng “kita” ng mga opisyal ng poll body sa nakakuha ng kontrata para sa automated elections. Milyong dolyar na ang usapin dyan, baka naman!?

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here