Home METRO Tricycle driver binoga sa ulo ng nakaaway

Tricycle driver binoga sa ulo ng nakaaway

100
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang tricycle driver habang sakay ng e-trike sa kahabaan ng Moriones, Tondo nitong Huwebes ng gabi, Hulyo 18.

Kinilala ang biktima na si Israel Vargas, nakatira sa 439 Pacheco Street, Brgy. 67, Tondo, Manila.

Sa imbestigasyon, sakay ng kanilang E-Trike ang biktima at binabagtas ang kahabaan ng Masinop St., sa bahagi ng Moriones nang lapitan ito ng suspek.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa bumaba ng E-Trike ang biktima nang bigla naman siyang suntukin ng suspek sabay bumunot ng baril at ipinutok sa ulo ni Vargas.

Naisugod pa ng mga opisyal ng Barangay 123 ang biktima sa Gat Andres Medical Center ngunit namatay din.

Hindi pa malinaw ang dahilan ng pagtatalo ng suspek at biktima.

Patuloy naman ang follow-up operation ng pulisya para sa ikadarakip ng suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here