MANILA, Philippines- Iniulat nitong Biyernes na mga Pilipino ang prayoridad sa kinakailangangang health at skilled workers sa Singapore at Saudi Arabia.
Batay sa ulat, nangangailangan umano sa Singapore ng mga skilled worker tulad ng ICT professionals, precision engineering, medical at healthcare workers, maging nursing aid.
Ito ang sinabi ng ambassador ng Singapore na si Constance See, sa pagdiriwang ng Philippine-Singapore Friendship Week.
Anang opisyal, mga Pinoy ang prayoridad nila sa pagkuha ng mga nurse.
Sa kasalukuyan ay nasa 200,000 Pilipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa Singapore.
Gayundin, inanunsyo ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Cacdac na kailangan din sa Saudi Arabia ng mga karagdagang skilled at health care workers. RNT/SA