Home ENTERTAINMENT Netizens, mas kampi kay John kesa kay Priscilla!

Netizens, mas kampi kay John kesa kay Priscilla!

120
0

Manila, Philippines – In a matriarchal society, nakakagulat mabasa ang mga reaksyon ng ibang netizens kaugnay ng isyung kinapapalooban nina John Estrada at Priscilla Mereilles.

Lumalabas kasing mas kinakampihan pa ng mga ito ang aktor.

Isa sa mga basher ng Miss Earth 2004 ay tahasang nagpost na wala siyang nadaramang compassion para rito.

Binalaan na raw kasi noon si Priscilla sa pagkakaroon ng playboy image ni John yet pinatulan pa niya ito.

Katwiran naman ni Priscilla, not because may ganoong imahe si John ay hindi na ito karapat-dapat bigyan ng chance.

Posible nga raw itong magbago.

Sinalag naman ng isang netizen ang komento ng basher ni Priscilla.

Anito, hindi raw kailangan ni Priscilla ng compassion mula sa publiko kundi panalangin para maging matatag sa pagharap sa kanyang problema.

A check with John’s and Priscilla’s respective social media accounts yields no post regarding the issue.

Kay Priscilla, makikitang she’s having a great time with her Brazilian friends.

Sa kabila ng problemang kinakaharap ng mag-asawa, mas maraming netizens ang umaasang masosolusyunan nila ito alang-alang sa kanilang anak na si Anechka.

Sana’y mabuo pa rin daw ang kanilang pamilya as opposed to John’s former partner Janice de Belen’s kids na nagsipaglakihan nang hindi kasama ang aktor. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here